Isusulong ng joint task force NCR ang smile advocacy campaign para sa APEC leader’s meeting.
Ayon kay Capt. Vic Tomas, Deputy Commander ng joint task force, ito ay bahagi ng kanilang kampanya upang pairalin ang disiplina sa kalsada.
Kabilang aniya sa mga kalakip na paalala ng smile advocacy ay ang mga paalala sa motorista para sa ligtas na pagmamaneho, katamtamang bilis upang hindi maaksidente at ang pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa sitwasyon ng trapiko.
Samantala, hinimok din ni Tomas ang publiko na mag bonding na lang sa mga probinsya, at malayo sa APEC venue, lalo na at long weekend naman ito.
By Katrina Valle | Jonathan Andal