Iniutos ng DILG o Department of Interior and Local Government ang pagbuo ng Smoke Free Task Force sa bawat LGU’s o Local Government Units upang tumutok sa pagpapatupad ng nationwide smoking ban.
Ayon kay DILG Assistant Secretary for Plans and Programs Epimaco Densing, ang Smoke Free Task Force ang siyang mamamahala sa paghuli ng mga lalabag sa smoking ban.
Makikipag-ugnayan din aniya ang nasabing task force sa Philippine National Police (PNP) para sa maayos na pag-aresto sa mga lalabag sa ban.
Kasabay nito hinimok ng DILG ang publiko na makibahagi sa pagbabago at isuplong ang mga naninigarilyo sa pampublikong lugar.