Itinuturing ng Malacanang na isa na namang milestone sa gobyerno para protektahan ang kalusugan ng publiko ang implementasyon ng smoking ban sa mga pampublikong lugar sa buong bansa.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella , ang implementasyon ng Executive Order # 26 ay katuparan ng pangarap na maging tobacco-free ang bansa sa mga darating na panahon.
Dahil dito hinimok ni Abella ang publiko na makipagtulungan at suportahang maipatupad ang Smoke Free Establishments sa mga pampublikong lugar .
Ang smoking ban ay unang ipinatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pampublikong lugar sa Davao City kayat sa pamamagitan ng EO#26 ay ipapatupad na ito sa buong bansa.
Obligado ang mga lokal na pamahalaan na ipatupad ang direktiba at ang mga lalabag ay pagmumultahin o kaya ay makukulong depende kung ilang beses na lumabag ang mga ito.
By: Aileen Taliping
Smoking Ban o EO#26 isa na naman umanong milestone sa gobyerno was last modified: July 23rd, 2017 by DWIZ 882