Mahigpit nang ipatutupad ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa lungsod ng Maynila.
Ito ay kasunod na bagong utos ni Mayor Joseph Estrada na higpitan ang pagpapatupad ng smoking ban sa lungsod.
Batay sa City Ordinance Number 7812, papatawan ng tatlong araw na pagkakakulong at multang limang libong piso (P5,000) ang sinumang lalabag sa nasabing ordinansa.
Bukod dito binalaan din ni Estrada ang mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan na mahuhuling naninigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar.
Kabilang dito ang mga palengke, restaurant, mga sinehan, malls, pabrika, planta, mga sasakyang-publiko, mga paaralan, ospital, klinika at mga katulad na lugar sa lungsod.
—-