Umabot na sa 23 billion pesos ang kabuuang halaga ng mga nasabat na smuggled goods sa ikatlong kwarter ngayong taon.
Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Leonardo Guerrero, sa kabila ng mga restrictions dulot ng COVID-19 pandemic ay nagpapatuloy parin ang pagpasok ng mga smuggled goods sa bansa.
Nabatid na mula noong buwan ng Enero hanggang buwan ng Oktubre ay papalo na sa 23 bilyong piso ang kabuoang halaga nito mula sa 734 seizures.
Matatandaang noong nakaraang taon ay umabot sa mahigit 10 bilyong piso ang halaga ng mga nakumpiskang smuggled goods sa 997 operasyon. —sa panulat ni Angelica Doctolero