Ipabu bulldozer ng Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na linggo ang mga mamahaling sasakyan o smuggled luxury cars na nakumpiska ng Bureau of Customs.
Sinabi ng Pangulo na mga smuggler din ang nakikinabang kapag mayruong auction ng mga smuggled luxury cars dahil sila ang nakakaalam kung kailan ang subastahan bukod pa sa sila ang may perang pambili.
Ayon sa Pangulo pagkatapos ng auction mabibigyan na ang mga smuggler ng papeles at magiging ligal na ang pagma may ari sa sasakyang binili na sa mas murag halaga na aniya’y malinaw na pambabastos sa mga Pilipino.
Binigyang diin naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang hakbang ay patunay na seryoso ang gobyerno sa paglaban sa smuggling lalo na sa katiwalian.