Nasa mahigit 700 kilong smuggled na puting sibuyas ang nasamsam ng Department of Agriculture sa tatlong palengke sa Metro Manila.
Ayon kay assistant secretary at DA-Wide Field Inspectorate James Layug, aabot sa 105 sako ng smuggled ng puting sibuyas ang kanilang nakumpiska.
Nasamsam ito sa divisoria sa lungsod ng Maynila; mutya ng Pasig Market; at Balintawak Market sa Quezon City.
Katuwang nila sa nasabing operasyon ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Philippine National Police at Bureau of Plant Industry (BPI).
Layunin ng kanilang operasyon na protektahan ang mga magsasaka sa ilegal na pagpasok ng mga smuggled na agricultural products.
Aniya, lahat naman ng sibuyas na nakumpiska ay sisirain naman ng BPI para hindi na mapakinabangan pa.