Muling binalaan ng Department of Agriculture ang mga consumer sa pagbili ng puting sibuyas.
Iginiit ni DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez na hindi locally produced ang mga white onion bagkus ay ipinuslit sa bansa.
Ayon kay Estoperez, hindi sumailalim sa sanitary inspection o walang permit ang mga puslit na sibuyas na ibinebenta sa ilang pamilihan.
Maaari anyang tamaan ng sakit sakaling makatiyempo ng white onion na bagsak sa sanitary inspection kaya’t hindi dapat ipinagsasapalaran ang kalusugan ng mga consumer.
Kamakailan ay iniatras ng kagawaran ang planong ibenta ang mga nasabat na puslit na sibuyas sa kadiwa stores sa pangambang nagtataglay ang mga ito ng chemical residue at e. coli bacteria.