Hindi kinonsidera ng Department of Agriculture (DA) ang pagbebenta ng mga nasabat na puting sibuyas sa Kadiwa Stalls.
Ito’y dahil sa health at sanitary concerns na opisyal na inihayag ng departamento.
Ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez, tinanggal na ito sa opsyon dahil natuklasan nilang hindi ito ligtas kainin.
Nasamsam ang mga sibuyas sa halagang P3.9M na kinarga ng truck ng Philippine National Police at dinala sa warehouse ng Bureau of Plant Industry (BPI) para sa imbentaryo.
Sinabi ng kagawaran na susunugin o gugutayin na lamang ang mga sibuyas para gawing compost o pang-aabono. —sa panulat ni Jenn Patrolla