Aabot sa mahigit P300-K halaga ng smuggled na sigarilyo ang nakumpiska sa magkahiwalay na insidente sa isinagawang mandatory inspection sa Fixed AFP-PNP border checkpoint, sa Davao City.
Ayon sa Task Force Davao, unang tinangkang ipasok sa Sirawan Fixed Border Checkpoint ng mga suspek na kinilalang sina Rajiv Radjail, 36-anyos; Jerhan Sabdani, 34-anyos; Mandug at Rasul Sariul, 40-anyos ang mga smuggled cigarattes na aabot sa isang dosenang kahon na nagkakahalaga ng P299, 500.
Nakumpiska din sa checkpoint ang aabot 78 reams ng sigarilyong na tinatayang aabot sa P39, 000 na plano sanang ipuslit ng suspek na kinilalang si Ernesto Hugan, 47-anyos sakay ng isang multicab.
Nasa pangangalaga na ngayon ng Toril Police Station ang mga suspek maging ang mga nakuhang ebidensya at nakatakdang isailalim sa pagsusuri at disposisyon.