Isinapubliko ni Senate President Tito Sotto III ang natanggap nila na mga pangalan ng mga umano’y sangkot sa smuggling ng agricultural products.
Sa pagdinig ng senate committee of the whole pinangalan ni Sotto ang mga umano;y smuggler ng produktong agrikultural.
Ito ay sina;
Manuel Tan – sangkot sa smuggling sa Subic Cagayan de oro at Batangas
Andrew Chang, sangkot sa Subic, MICT and Batangas
Leah Luz Cruz, onion queen MICP and Cagayan de Oro
Jun Diamante, agrifisheries in Cagayan de Oro
Nang itanong ni Senate President Sotto kay National Intelligence Coordinating Agency director Edsel Batalla kung nasa kanilang listahan ang nabanggit na mga pangalan.
Kinumpirma nito na kasama ang mga ito sa kanilang listahan.
Ayon kay Batalla , mahigit 20 ang nasa kanilang listahan ng mga suspected smuggler o sangkot sa smuggling ng agricultural products kasama na ang mga protektor ng mga ito mula sa gobyerno.
Samantala sinabi ni Batalla na itatanong nya sa kanilang principal kung maaari nyang isumite sa committee of the whole ang kanilang listahan ng mga suspected smuggler at protektor ng mga ito mula sa gobyerno dahil nasa proseso pa sila ng pag-validate dito.
Sinabi naman ni Bureau of Custom commissioner Rey Leonardo Guerrero na familiar na sa kanila ang ilan sa pangalan na binanggit ni SP Sotto pero ‘yung iba ay ngayon lang niya narinig bagay na kanilang iba-validate