Ibinunyag ni Agriculture Secretary Manny Piñol na laganap na rin ang smuggling ng carrots sa bansa.
Sa ginawang pag-iikot ng kalihim sa Tanauan, Batangas, nakita niya ang ilang kahon ng carrots mula sa China na ibinebenta sa P35.00 kada kilo sa loob ng Tanauan City Farmers Market.
Sigurado ang kalihim na hindi sakop ng SPS o Sanitary at Phytosanitary Permits ng Bureau of Plants and Industry ang mga nakitang kahong-kahong carrots.
Bilang aksyon, agad na tinawagan ni Piñol si BPI Director Vivencio Mamaril hinggil sa importasyon ng carrots at ang na-isyung permit sa carrots ay para sa mga 5-Star Hotel lamang gagamitin.
Nabatid ni Piñol sa Chinese trader na ang kahong-kahong carrots ay nakuha mula sa importer na nakabase sa Nueva Ecija.
Agad na ipinag-utos ni Piñol ang imbestigasyon at ang sinumang opisyal ng BPI o ng DA na sangkot sa katiwalian ay mapapatawan ng kaukulang parusa.
Makikipagpulong din si Piñol kay Customs Commissioner Nickanor Faeldon para sa mag mahigpit na patakaran para mabawasan ang masugpo ang smuggling activities ng mga agricultural products.
- Meann Tanbio