Pinaigting pa lalo ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang paglaban sa mga fixers sa pamamagitan ng snake-grab approach sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa katunayan, ayon kay ARTA Dir. Gen. Jeremiah Belgica, napakarami nang nagtagumpay na entrapment operation sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno kung saan nahuli ang mga fixers na ito.
Magdadalawang buwan pa lamang siguro nakaka-16 na tayo ng iba’t ibang operasyon, tayo ay nag-entrapment, ang pinakahuli nga itong nangyari sa may Guiguinto Bulacan sa may LTO. Iba’t ibang ahensya ang ating pinupuntahan pero karamihan rito ay sa LTO ang ating mga nahuhuli,″ wika ni Belgica.
Kinilala rin ni Belgica ang pakikipag tulungan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para masupil ang mga fixers na ito sa labas man o sa loob ng kanilang mga tanggapan
Ito rin naman ay sa pakikipagtulungan sa mga main offices sa mga iba’t ibang agencies nito kasi nga sinasabi nga namin kung merong fixer sa labas, merong red tape sa loob kapag may kumokolekta sa labas, merong ine-entrega sa loob. Kaya amin talagang hinuhuli ang mga ito sa tulong na rin ng CIDG,″ pahayag ni ARTA Director General Jeremiah Belgica sa panayam ng DWIZ.