‘So good, So cares’.
Ito ang pahayag ng pamunuan ng HOTEL-SOGO para sa lahat ng kanilang mga guest, ngayong nagpapatuloy pa rin ang epekto ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Ms. Sue Geminiano, corporate marketing manager ng HOTEL-SOGO na kasabay ng pandemya, ilang bagong protocols at hakbang ang kanilang ginawa para mapanatili ang kaligtasan hindi lamang ng mga guest kundi ng kanilang mga empleyado.
Nakapaloob ito sa corporate social responsibility ng HOTEL-SOGO o SOGO Cares.
Nabatid na magmula ang pandemya, ang HOTEL-SOGO ang pangunahing umaalalay sa mga frontliners para sa kanilang pansamantalang matutuluyan.
Habang maliban pa dito, kalahok din ang HOTEL-SOGO sa pamamahagi ng serbisyo sa lahat ng Pilipino.