Malaki ang panghihinayang ng Western Mindanao Command (Wesmincom) sa pagkakapatay ng apat nilang intelligence officers sa kamay ng mga pulis sa Jolo Sulu.
Ayon kay Wesmincom Commanding General Cirilito Sobejana, nanghihinayang sila hindi lamang dahil mga dedicated soldiers ang nawala kundi dahil sa naunsyaming misyon ng mga ito laban sa mga suicide bombers sa Sulu.
Ayaw na natin magkaroon pa ng pagsabog dyan sa Jolo dahil ang daming napipinsala dahil mga sibilyan pa ang karamihan dahil they are doing it in public places so, sinisikap talaga namin na hindi sila makagawa ng obscenities, yun ang effort na ginawa nila late Major Marvin Indamog kaya lang nagresulta sa hindi maganda,” ani Sobejana.
Sinabi ni Sobejana na sa ngayon ay patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Wesmincom sa mga lokal na opisyal ng Sulu at maging sa mga traditional leaders tulad ng mga Imam upang payapain ang mga nag-iinit na damdamin dahil sa pagkakapatay ng mga pulis sa apat na sundalo.
Even the community kasi maraming sentimento na lumalabas, ang iniiwasan natin dito ay escalation dahil hindi maganda na magkaroon ng hidwaan yung PNP saka yung Armed Forces dahil sa nangyari so, pinapakalma natin iniiwasan natin magkaroon ng outbursts of emotion,” ani Sobejana. — panayam mula sa Ratsada Balita.