Nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa 49 lamang ang mga nasawing sundalo sa malagim na pagbagsak ng C-130 Hercules aircraft sa Sulu.
Inamin mismo ni AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana, nagkaroon ng pagkakamali sa bilang ng mga nasawi dahil sa ilan sa mga ito ay hindi na makilala dahil sa tindi ng pagkakasunog ng kanilang katawan.
Dahil dito, 52 lamang ang kabuuang bilang ng mga nasawi kung saan, 49 dito ay mga sundalo habang tatlo ang sibilyan.
Mula sa 96 na sakay ng bumagsak na C-130 Hercules aircraft, 84 dito ang mula sa Philipine Army habang 12 l naman sa Philippine Air Force.