Iginiit ni US Vice President Kamala Harris, na dapat panindigan ng Pilipinas ang soberaniya at integridad hinggil sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Harris, kailangang mapanatili ang Freedom of Navigation at ang Overfly sa South China Sea at Indo-Pacific.
Sinabi ni Harris na dapat ipagpatuloy ng Pilipinas na ipaglaban ang mga prinsipyo, ilegal activities, at harassment sa mga Filipino seafarers sa bahagi ng pinag-aagawang teritoryo.
Dagdag pa ni Harris na kailangang maging alerto ang mga tao sa posibleng maging epekto sakaling muling pumasok ang mga sasakyang pandagat ng mga dayuhan sa karagatan ng Pilipinas at iligal na inuubos at sinisira ang likas na yaman ng karagatan.
Sa kabila nito, siniguro ni Harris na tutulong ang US sa modernisasyon ng monitoring systems ng bansa para maging sapat ang pagdepensa ng Pilipinas laban sa ibang mga bansa.