Nanganganib na tuluyang mawala na ang soberenya ng Pilipinas kapalit ang pagpapalakas ng depensa.
Ito’y matapos ideklara ng Korte Suprema na ligal ang binalangkas na Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika.
Sa kanyang dissenting opinion, sinabi ni Associate Justice Marvic Leonen, tiyak aniyang mapawawalang saysay ang Saligang Batas dahil sa mga pang-aabusong maaari aniyang matamo ng Pilipinas sa kamay ng Amerika.
Nanghiram pa ng linya si Leonen mula sa pelikulang Heneral Luna na kumokontra naman sa paniniwala ng ilang tagasuporta na igagalang ng Amerika ang batas ng Pilipinas.
Dahil dito nangangamba si Leonen na tuluyan nang isusuko ng pamahalaan ang bansa sa kamay ng mga dayuhan para sa tuluyang pagpapasakop.
By Jaymark Dagala