Tiniyak ng Department of National Defense na ginagawa nito ang lahat para ipagtanggol at pangalagaan ang teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ito’y sa gitna na rin ng panghihimasok ng mga Chinese maritime militia vessel sa bahagi ng Julian Felipe reef na sakop ng lalawigan ng Palawan.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, pinaigting pa nila ang presensya ng mga barko ng Pilipinas sa bahaging iyon ng karagatan upang igiit ang soberenya ng bansa.
Sa katunayan, pinadala na ang mga barko ng Philippine Navy at Coast Guard sa West Philippine Sea at kalayaan group of island para sa pagsasagawa ng pagpapatrulya.