Inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab na isauli ang sobra-sobrang pasahe na nasingil nila mula Pebrero hanggang Mayo ng taong ito.
JUST IN: Grab, inatasan ng Philippine Competition Commission na ibalik sa mga pasahero ang P5-milyong sobrang singil sa pamasahe; Grab, maaari pang maghain ng motion for reconsideration https://t.co/HHOy7zaafm pic.twitter.com/p2ihxq7umU
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 18, 2019
P5-million ang kabuuang refund na ilalabas ng Grab para sa kanilang mga riders.
Mayroong 60 araw ang Grab para sundin ang direktiba ng PCC.
Mula Enero hanggang sa kasalukuyan, nasa mahigit P23-million multa na ang nasingil ng PCC sa Grab dahil sa iba’t ibang paglabag sa mga probisyon ng kanilang merger sa Uber.
Inatasan ng PCC ang Grab na sundin ang napagkasunduang presyo at service commitments nang bilyon nito ang Uber.