Posibleng bawiin ang mga bakunang hindi nagamit sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Ito’y ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, maaaring bawiin ang mga bakuna sa mga probinsiya na may mababang kaso ng COVID-19 upang mabakunahan ang mga health workers sa National Capital Region.
Sinabi naman ni Marikina Mayor Marcy Teodoro, na ubos na ang mga bakunang inilaan ng lungsod para sa healthcare workers sa mga maliliit na ospital.
Dagdag ni Teodoro, hindi pa rin nababakunahan ang mga frontliners sa mga Barangay health emergency response team, Brgy. Health Center workers, contact tracers at mga empleyado sa mga quarantine facilities.
Bukod dito, nangangailangan pa ng halos 7k doses ng bakuna ang lungsod.
Habang nababahala naman ang lungsod ng Makati dahil marami pa sa kanilang healthcare workers ang hindi pa rin nababakunahan.