Iimbestigahan ng senado ang sobrang pagtitipid ng pamahalaan na naging dahilan para bumagal ang pag-usad ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Senate Commitee on Finance Chairman Chiz Escudero, inimbitahan niya sa magiging pagdinig sa Martes, June 9 ang Department of Education (DepEd), Department of Public Works and Highways (DPWH) at DBM upang ipaliwanag ang kanilang labis na pagtitipid.
Nais ni Escudero na tukuyin ang pamantayan ng pamahalaan lalo na sa usapin ng bidding at procurement process.
By Rianne Briones