Gagamitin ng Department of Finance (DOF) ang sobrang mga rice import tariff para pondohan ang unconditional cash transfer program para sa mga magsasaka.
Ito ay sa gitna pa rin ng pagbagsak ng bilihan ng palay at pagdagsa ng mga imported na bigas sa merkado.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, na – hit na ang P10-B na earmarked para sa rice competitiveness enhancement fund.
Aniya, may pasobra pa ditong 1.4-B na onhand na simula pa noong October 31.
Kasama sa mga magbebenespisyo dito ay ang mga magsasaka na mayroong dalawang ektaryang lupa pababa sa tatlong bilyong alokasyon ngayong taon at P3-B sa susunod na taon.