Gumagawa na ng hakbang ang Department of Science and Technology (DOST) upang masolusyunan ang oversupply ng okra sa bansa.
Ayon sa DOST, hinihikayat na nila ang mga okra producer para gawing kapaki-pakinabang ang kanilang mga produkto.
Ang okra ay maaaring i-develop at gawing banaba milk tea, toothpaste at pampatagal nang buhay ng pagkain.
Taglay ng okra ang hydrocolloids, isang uri ng natural preservatives na nagpapanatili ng istruktura ng pagkain sa pamamagitan ng gelling effect.