Patuloy pa ring umiiral ang Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ) sa bansa na posibleng magdala ng mga pag-ulan sa bahagi ng Soccsksargen, Zamboanga Peninsula at Palawan.
Ayon kay Pagasa weather specialist Rhea Torres, asahan ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Bicol Region, Eastern Visayas at Northern Luzon bunsod ng shearline o ang pagsasalubong ng mainit at malamig na hangin na nagmumula sa Mainland China at dagat pasipiko.
Wala namang namomonitor na sama ng panahon o bagyo ang Pagasa weather Bureau sa loob at labas ng bansa.
Dahil naman sa posibleng epekto ng ITCZ, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa bahagi ng Samar, Leyte; Bohol; at Cebu kasama na diyan ang Surigao Provinces.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32 °C habang sumikat ang haring araw kaninang alas- 5:57 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 5:24 ng hapon.