Posibleng maging new normal na hanggang sa 2022 o higit pa ang social distancing.
Batay ito sa pag-aaral ng Harvard scientists na nailathala sa journal science paper.
Ayon sa mga siyentipiko, posibleng maging seasonal ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) tulad ng iba pang coronaviruses subalit ay mas nakakahawa lalo na sa malamig na panahon.
Hindi anila sapat ang one time social distancing na ipinatutupad sa ngayon hangga’t wala pang natutuklasang bakuna o epektibong gamot laban sa COVID-19.