Tiniyak ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na hindi hahaluan ng kulay pulitika ang accreditation ng mga social media practitioners na gustong makapag-cover sa mga lakad at aktibidad ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Andanar, kailangan lamang maging consistent ng mga blogger sa kanilang write-ups hinggil sa Pangulo.
Gayunman, sinabi ni Andanar na kailangang humingi ng approval sa Presidential Security Group o PSG ang mga blogger kapag sila ay magko-cover sa presidente.
Ang accreditation aniya ng mga blogger o social media practitioners ay hindi bilang journalist at hindi bilang miyembro ng mainstream media o ng Malacañang Press Corps.
By Meann Tanbio