Inilunsad ng FIFA ang social media protection service para bantayan ang mga football players na magkakalat ng hate speech at online discrimination sa kasagsagan ng 2022 World Cup sa Qatar.
Ayon kay FIFA President Gianni Infantino, ito ay sa pamamagitan ng pag-scan sa mga public-facing abusive, discriminatory at threatening comments sa social media accounts ng mga manlalaro.
Nabatid na layunin ng hakbang na ingatan ang mental health ng mga manlalaro at makag-pokus ito sa laban.