Inatasan ng Joint Task Force COVID Shield ang lahat ng mga hepe ng pulisya na i-monitor ang social media kaugnay ng mga posibleng paglabag sa quarantine protocols.
Ayon kay Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng task force, kasama sa mga puwedeng tingnan ay ang mga ipino-post ng mga netizens tulad ng mga larawan ng mga nag-iinuman at iba pang ng selebrasyon.
Paliwanag ni Eleazar, maaaring gamitin ang mga ito bilang ebidensya laban sa mga pasaway na mamamayan kung saan maaari ring ipatawag o pagmultahin ang mga violators sa tulong ng mga opisyal ng barangay