Iginiit ng Malakaniyang na hindi kailanman naging polisiya ng pamahalaan ang pagpapakalat ng fake news.
Ito’y sa kabila ng pag-amin ni PCOO o Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar na may pagkakamali sa ilang ahensya ng pamahalaan partikular na ang PNA o Philippine News Agency.
Binigyang diin ng kalihim na tungkulin ng PCOO na ipakalat ang polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng iba pang ahensya ng pamahalaan para ihatid sa taumbayan ang mga ginagawang serbisyo ng gubyerno.
Tulad ni Pangulong Duterte, game changer din ayon kay Andanar ang social media kaya’t sinisikap nilang makasabay dito sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga reporma sa komunikasyon.
Kasunod nito, ipinagmalaki rin ng kalihim na mataas ang bilang ng mga nanunuod sa Facebook Live sa tuwing nagbibigay ng talumpati ang Pangulo lalo na’t kuhang-kuha aniya nito ang lingguwahe ng masa.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Jopel Pelenio
Posted by: Robert Eugenio