Gumagamit na ng social media ang Philippine Embassy sa South Korea upang mabilis na magpakalat ng impormasyon hinggil sa MERS o Middle East Respiratory Syndrome.
Nakikipag-ugnayan rin ang embahada ng Pilipinas sa mga lider ng mga manggagawang Pilipino at student groups sa South Korea para sa pagpapalaganap ng impormasyon at makaiwas sa sakit.
Kabilang sa mga advisory mula sa embahada ang payo sa mga makakaranas ng sintomas ng MERS na agad magpa-ospital.
Sakali anilang mag-positibo ang sinumang Pilipino sa MERS, dapat itong ipagbigay alam agad sa Philippine Embassy upang maiparating nila ito sa Korean authorities at makapagbigay ng tulong.
Una nang nagdeklara ng hightened alert ang Ninoy Aquino International Airport sa MERS virus dahil kabilang sa bulto-bultong turista na dumarating sa bansa ay galing ng South Korea.
Pumalo na sa 9 ang bilang ng nasawi sa South Korea dahil sa MERS virus, mahigit 122 ang positibo samantalang may halos 3,000 pang naka-quarantine.
By Len Aguirre