Isang administrative order na ang binalangkas kaugnay sa paglikha ng social media guidelines para sa mga government agency at official.
Ito ang inihayag ng Department of Information and Communications Technology o DICT matapos ulanin ng batikos ang ilang opisyal sa pangunguna ni Presidential Communications Office Assistant Secretary Mocha Uson dahil sa pag-popost ng mali umanong balita o fake news sa social media.
Ayon kay DICT Spokesman at Assistant-Secretary Carlos Caliwara, dapat bigyang gabay ang mga opisyal ng pamahalaan sa paggamit ng social media bilang isa sa mga epektibong paraan upang maihatid sa publiko ang mga programa ng gobyerno.
“Gusto ko munang liwanagin na at this point in time na ang administrative order ay proposed pa lamang, nagkakaroon tayo ng public consultation, ang iba’t ibang ahensya ng gobuerno ay may laya na gumawa ng social media accounts pero kung gagawa ng social media account kailangan ang gagamitin nila ay ang kanilang official email.” Pahayag ni Caliwara
(Ratsada Balita Interview)