Kinukunsidera ng Bureau of Internal Revenue na magsampa ng kasong tax evasion laban sa mga social media influencers dahil binabaliwala umano nito ang abiso ng ahensya na kusang magbayad ng buwis.
Nauna nang sinabi ng BIR na umaasa ito sa boluntaryong pagsunod ng mga influencer dahil ang pagbubuwis sa kanila ay “maaaring tumagal ng ilang oras” dahil ang kita na kanilang nakukuha ay karaniwang nagmumula sa mga higanteng teknolohiya na nakabase sa ibang bansa kung saan walang hurisdiksyon ang BIR.
Hindi naman nagbigay ng datos si Internal Revenue Assistant Commissioner Jethro Sabariaga kung gaano karaming mga influencer ang sinusubaybayan pa rin ng ahensya, at sinabing ang operasyon ay “nationwide-deployed activity.”
Sinimulan ng BIR ang kanilang pagsugpo sa mga tax-delinquent influencers noong 2021, kung saan tinatarget ang humigit-kumulang 250 social media celebrities na tinatayang kumikitata ng milyun-milyong piso at nakakuha ng mga freebies sa pamamagitan ng kanilang mga vlog at social media posts. - sa panulat ni Raiza Dadia