Malaki ang epekto ng social media sa mga kabataan.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Eric Tayag, ang social media ang isa sa mga dahilan kung bakit madaling matukso ang mga kabataan ngayon.
Paluwanag ni Tayag, madaling maimpluwensyahan ang mga kabataan lalo na kung nagkukulang sa paggabay ang mga magulang, simbahan at kanilang paaralan.
Dahil dito, sinabi ni Tayag na tinututukan ng Department of Health (DOH) ang pakikipag-ugnayan sa Department of Education (DepEd) para sa information dissemination para maiiwas sa pagkakaroon ng HIV ang mga kabataan sa pamamagitan ng sex education.
By Ralph Obina