Malaking ang iniaambag ng social media sa pagdami ng turista sa Pilipinas.
Ito ang inihayag ni Tourism Sec. Bernadette Romulo Puyat kung saan aniya pinakamaraming naitalang dayuhang turista sa taong 2019 ay mula sa South Korea.
Ayon kay Puyat, naeenganyo ang mga dayuhan na bumisita sa Pilipinas dahil sa nakikita rin sa ibang mga nagpo-post gaya ng mga nagbabakasyon sa Siargao at nagsu-surf sa La Union.
Sa pamamagitan ng social media, nakikita umano ng ibang lahi na talagang marami ring magagandang tourist destination sa Pilipinas.
Ani Puyat, bukod sa mga Koreano ang ilan pang karamihang dayuhang turista sa bansa ay mula sa Australia, Canada, China, Germany, India, Japan, Malaysia, Singapore, Taiwan, Amerika at United Kingdom.