Umalma si Vice President Leni Robredo sa mga kumakalat na ulat sa social media hinggil sa umano’y pagpanig niya sa komunistang grupo.
Ayon kay Robredo, fake news ang nasabing post kung saan ay sinabi umano niyang kailangang protektahan ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) dahil pag-asa sila ng bayan.
Giit ni Robredo, walang katotohanan ang mga alegasyon na ibinabato sa kaniya lalo’t wala naman siyan ganuong uri ng pahayag.
Dahil dito, nanawagan si Robredo sa publiko na i-report ang mga ganuong uri ng Facebook post na ang tanging layunin ay sirain ang kaniyang kredibilidad.