Hihingin na rin ng mga opisyal ng Estados Unidos ang detalye ng mga social media accounts tulad ng Facebook, Youtube at Twitter ng mga mag-aapply para sa U.S visa.
Ayon sa U.S State Department, bahagi ito ng ipatutupad nilang mas mahigpit na screening para sa mga nagnanais magtungo sa kanilang bansa.
Iginiit naman ng U.S State Department na pangunahing prayoridad nila ang national security lalo na sa pagpapasiya sa mga visa applications.
Inaasahang maaapektuhan ng bagong patakaran ng U.S ang nasa 15 milyong visa applicants na natatanggap nila kada taon.
Una nang ipinanukala ng administrasyong Trump ang mas mahigpit na screening sa mga nag-aapply ng U.S noong Marso ng 2018.