Kinumpirma ni Information and Communications Technology Secretary Rodolfo Salalima na sisimulan na ng gobyerno na arestuhin ang sinumang sangkot sa pagpapakalat ng mga propaganda sa social media ng mga teroristang grupo.
Sakali anyang matunton ang mga nagpopost sa social media ng kanilang pagsuporta at simpatiya sa mga terror group ay awtomatikong aarestuhin ang mga ito pero hindi papangalanan.
Ang rebellion at sedition anya ay mga krimen sa ilalim ng lumang penal code at kung sangkot naman sa cyber sedition, nangangahulugan din itong cyber rebellion.
Aminado si Salalima na ang internet lalo ang social media ang pinakamalakas ngayong sandata ng mga terorista dahil dito nila nahihikayat na umanib sa kanilang ipinaglalaban ang kanilang mga supporter o sympathizer.
By Drew Nacino