Sinimulan na ng Commission on Population (Popcom) ang mga programa para pangalagaan ang kapakanan ng mga batang ina.
Ito’y makaraang lumabas sa kanilang pag-aaral na inaasahang paglobo ng bilang ng mga menor de edad na mabubuntis ngayong taon.
Ayon kay Popcom Excutive Director Juan Antonio Perez, kanilang tututukan ang pangangailangan ng mga batang ina partikular na ang social protection para sa mga ito.
Bagama’t may kaniya-kaniyang programa naman ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Health (DOH ) at Department of Social Welfare and Development (DSWD), sinabi ni Perez na kinakailangan nila itong pagsamahin.
Nakikipag-ugnayan naman ang Popcom sa DSWD hinggil sa pagtukoy kung saan sila kukuha ng pondo para rito.