Pinadaragdagan ni Senador Sonny Angara ang mga social welfare attaches o SWA sa mga bansang talamak ang pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Worker o OFW.
Ayon kay Angara ito ay para mas matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Sa kasalukuyan aniya kasi, dalawa lamang ang ipinadala ng Department of Social Welfare and Development o DSWD na siyang maaaring magabay sa mga Pinoy na nasa Riyadh at Jeddah habang tig-isa naman para sa mga bansang Kuwait at Malaysia.
Giit ni Angara hindi sapat ito sa dami ng mga Pinoy sa iba’t ibang dako ng mundo.
Dahil dito, plano ngayon ng pamahalaan na magpadala pa ng tatlong welfare attaches sa Dubai, Qatar at Hong Kong.
—-