Pinagbawalang pumasok ng bansa at ipina-deport ng Bureau of Immigration o BI ang isang socialist party official mula European Union dahil umano sa pagbatikos nito sa anti-drugs campaign ng Duterte administration.
Sa Mactan-Cebu International Airport pa lamang ay hinarang na ng BI si Giacomo Filibeck, Deputy Secretary-General ng Party of European Socialists dahil umano sa illegal political activity.
Dadalo sana si Filibeck sa dalawang araw na Akbayan Party Congress kasama ang dalawampu (20) pang foreign delegates subalit ipinatigil.
Samantala, kinondena ng grupong Akbayan ang pagkaka-deport sa European human rights leader.
—-