Tiniyak ng young actress na si Sofia Andres na mananatili siyang isang Kapamilya.
Kasunod ito ng mga kumakalat na balitang lilipat na sa kalabang network ang aktres matapos patayin ang kanyang karakter sa fantaseryeng Bagani kung saan isa rin sa siya sa bida.
Sa kanyang Twitter post, itinanggi ni Sofia na lilipat siya sa kabilang network at nananatili pa rin aniya siyang Proud Kapamilya.
Hindi naman binanggit ni Sofia ang dahilan kung bakit siya pinatay sa fanteseryeng Bagani.
Kapuna-puna rin na hindi na babalik ang kanyang karakter dito lalo’t tinanggal na rin siya sa mga promotional materials ng serye.
May balita namang kaya inalis si Sofia sa Bagani ay dahil nagpapakita aniya ito ng kawalang interes sa tuwing nagkakaroon sila ng mga promo activities.
—-