Magsisimula na ngayong araw ang soft launching ng Digital Vaccination Certificate (VaxcertPH) para sa mga fully vaccinated.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Harry Roque na uunahin sa unang bugso ng VaxcertPH ang mga OFW at mga lalabas ng bansa mula Metro Manila at Baguio City.
Ayon kay Roque, pagbabatayan sa datosang isusumite ng Local Government Units sa pamamagitan ng Vaccine Information Management System.
Una nang inihayag ng DITC na ang issuance ng certificate ay posibleng maging fully implemented sa susunod na buwan. —sa panulat ni Drew Nacino