Pinangunahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang paglulunsad ng automated platform para sa licensing at permitting processes ng ahensya.
Ang Online Processing System with Digital Payment System (OPS-DPS) Project ng NTC ay bilang tugon sa layunin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na bilisan ang mga hakbang para gawing digitalize ang mga proseso sa gobyerno.
Sa ilalim ng nasabing proyekto ng NTC, inaasahang mas mapapabilis ang proseso at pag-iisyu ng lisensya, permit, certificates, authorizations, at clearances para sa mga telecommunications at internet infrastructure.
Ang soft launch para sa OPS-DPS ay dinaluhan ng mga kinatawan mula sa by Htech Corporation ang system provider, Globe Telecom, Inc. (Globe) at mga kinatawan mula sa NTC.
Ang grand launch para sa proyekto ay target na maisagawa sa October 2023.