Hinimok ng OCTA research group ang pamahalaan na ikunsidera ang pagpapatupad ng “soft modified enhanced community quarantine.”
Ito’y dahil pa rin sa nakaka alarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Prof. Ranjit Rye ng OCTA research, sa ilalim ng “soft MECQ” papayagan ang pagbubukas ng mga negosyo, available pa rin ang transportasyon ngunit ipagbabawal ang lahat ng uri ng social gathering.
Inoobliga rin ang pagkakaroon ng work from home o ibang work arrangement sa public at private sector.
Umaasa aniya sila na makatutulong ito para mapabagal o mapigilan ang lalo pang pagkalat ng COVID-19 sa bansa.