Biyaheng Amerika na ang mga manlalaro mula sa Negros Occidental para lumaban sa Majors Division ng Little League Softball World Series sa Oregon.
Kakatawanin ng nasabing koponan ang rehiyon ng Asya Pasipiko ang nasabing torneyo na nilahukan ng mga atleta mula 11 hanggang 12 taong gulang sa 10 rehiyon sa buong mundo.
Positibo ang mga nasabing manlalaro na kanilang makukuha ang kampiyonato kung saan, makakalaban nito ang mga manlalaro mula sa Indiana; Texas at Oregon sa USA gayundin ang bansang Puerto Rico.
Kasunod nito, nangako ang koponan na kanilang pagsisikapang mabawi ang naging pagkatalo ng kanilang Seniors Team sa championship match sa World Series sa Delaware USA.