Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 12, na hindi bahagi ng kanilang monitoring ang presyo ng softdrinks.
Ito ay kasunod ng mataas o pagdoble ng presyo ng beverages sa South Cotabato at ilang lugar sa Soccsksargen.
Ayon kay DTI-Region 12, Officer-in-Charge Assistant Regional Director Rictoniel Reginio, tanging mandato ng kanilang ahensya ang monitoring at regulation ng mga basic at prime commodities o ang mga pangunahing bilihin ng mga consumer at hindi kasali dito ang softdrinks.
Nilinaw naman ng opisyal na ang price increase sa softdrinks ay posibleng dahil sa kakulangan ng supply at pagtaas ng mga raw materials tulad ng asukal.