Humingi na ng paumanhin si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa pamilya Alonto at Lucman.
Ito ay matapos linawin ng kalihim ang pagkakadawit ng dalawang pamilya kaugnay ng umano’y pakikipagpulong ng ilang miyembro ng oposisyon sa mga lokal na opisyal sa Marawi City, dalawang linggo bago ang gulo sa lungsod.
Giit ni Aguirre, hindi kasama ang pamilya Alonto at Lucman sa nasabing pagpupulong at hindi niya intensyon na isangkot ang mga ito.
Aniya, kailan man ay hindi naging bahagi ang dalawang pamilya sa anumang planong paghahasik ng gulo at pinsala sa kung sinuman.
Gayunman, pinanindigan ni Aguirre ang kanyang pahayag na may ilang opposition senators at leaders ang nagtungo sa Marawi City para manghikayat ng mga local politicians at warlords na sumama sa destabilisayon laban sa Duterte administration.
By Krista De Dios | With Report from Bert Mozo