Handang mamagitan ang South Korea para matuloy lamang ang itinakda nang pag uusap ng mga lider ng North Korea at Amerika sa June 12 sa Singapore.
Magugunitang nagbanta ang Pyongyang na hindi na dadalo sa pulong sakaling magpatuloy ang panawagan ng Washington na kanilang i abandona ang paggamit ng nuclear weapons.
Ayon sa isang opisyal mula sa Blue House balak umano ng South Korean government na maging mediator sa pagitan ng Amerika at Nokor.
Inaasahan namang pag uusapan nina US President Donald Trump at South Korean President Moon Jae In sa kanilang pulong sa White House May 22 ang paparating na US Nokor Summit.