Nangako ang South Korea na kanilang haharangin ang anumang pagtatangka ng North Korea na magpasiklab ng digmaan sa pagitan ng malalaking bansa.
Ito’y ayon kay South Korean President Moon Jae-In sa kabila ng pagtitiyak nitong walang nangyayaring gulo sa Korean Peninsula sa harap ng bantang missile attack ng Pyongyang.
Ayon kay Moon, matindi ang pagsusumikap ng SoKor na pahupain ang tensyon lalo’t aminado siyang hindi pa rin sila ganap na nakababangon sa naging epekto ng Korean war.
Sumang-ayon din kay Moon maging si US President Donald Trump sa panawagan nito na pag-usapan ang usapin bago gumawa ng anumang hakbang.